Ikalimang anibersaryo ng pagpapangalan ng Philippine Rise mula sa dating Benham Rise, ipinagdiwang ng PAF

Isang solidarity maritime patrol ang isinagawa ng Philippine Air Force (PAF) sa Philippine Rise bilang pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan nito mula sa dating “Benham Rise”.

Sa aktibidad pinalipad ang isang C-295 aircraft na sinabayan ng dalawang FA-50 fighter jets sa Philippine Rise na minamarkahan ng mga “sovereignity bouys” sa Pacific Ocean sa silangang bahagi ng Northern Luzon.

Pinalipad mismo ni Philippine Air Force Commanding General Lieutenant General Allen Paredes ang isang FA-50.


Ang aktibidad na isinagawa para itaguyod ang pagmamayari ng Pilipinas sa Philippine Rise, at isulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Facebook Comments