Ikalimang suspek na iniuugnay sa Barcelona attack, kumpirmadong patay sa insidente

Barcelona, Spain – Kumpirmadong patay na ang ikalimang suspek na inuugnay sa nangyaring terror attack sa Barcelona, Spain.

Kinilala ng Catalan Police ang suspek na si Moussa Oukabir, 17 taong gulang at Spanish citizen mula sa Catalan City ng Girona.

Ayon sa mga otoridad, nasawi ang suspek dahil sa natamong malalang sugat ng dahil sa nangyaring pag-atake.


Samantala, tatlo pa lamang sa mga nasawi ang kinilala at ito ay ang Spanish citizens na si Francisco López Rodríguez, 60 taong gulang at dalawang Italian citizen na sina Bruno Gulotta 35, at Luca Russo, 25 taong gulang.

Facebook Comments