Ikapitong gold medal, nasungkit ng Philippine Team sa nagpapatuloy na 2017 SEA Games sa Malaysia

SEA Games – Pito na ang gintong medalya ng Philippine team sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nasungkit ni Agatha Wong ang ika-anim na ginto ng bansa sa Women’s Taijiquan event sa Wushu.

Una na siyang nanalo ng silver medal kahapon sa Taijijian event.


Habang ang ikapitong gold medal ay nakuha ni Brennan Louie sa all-Pinoy foil finals sa fencing.

Samantala, abanse na sa finals ng 2017 SEA Games ang dalawang swimmers ng Philippine team.

Facebook Comments