Matagumpay na isinagawa kahapon sa Don Leopoldo Sison Convention Center ang ika-7 taon ng Youth Empowerment and Anti-Drug Campaign na may temang “Kabataang Malikhain, Laban sa Droga: Sining, Talento, at Pagkakaisa,” katuwang ang Lokal na Pamahalaan, City Youth and Sports Development Office, at Sangguniang Kabataan Federation.
Dumalo ang mga opisyal mula city government, PDEA, at Alaminos City Police, kabilang sina Mayor Arth Bryan Celeste, Vice Mayor Jose Antonio Miguel Perez, CGLOO Victoria Jean Dawis, PDEA Provincial Officer Dexter Asayco, at Alaminos City Chief of Police PLTCOL Jan Ringgo Quintinita.
Layunin ng programa na palakasin ang kampanya kontra iligal na droga sa pamamagitan ng mga gawaing nakatuon sa sining at talento ng kabataan.
Bahagi ito ng nagpapatuloy na inisyatiba para sa mas ligtas at mas maalam na komunidad.









