IKASIYAM NA SUPER HEALTH, NAKATAKDANG ITAYO SA BAYAN NG LINGAYEN

Pormal ng isinagawa ang isang groundbreaking activity para sa ika-siyam na super health center na inaasahang magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan, kabilang ang mga espesyal na serbisyong pangkalusugan sa lokal na antas at matatagpuan sa Barangay San Vicente bayan ng Lingayen.
Sa isang seremonya ng groundbreaking kahapon, Martes, sinabi ni Senator Christopher Lawrence Go, chair ng Senate Committee on Health, na ang super health center sa bayan ay isa sa 307 centers sa bansa na pinopondohan sa pamamagitan ng 2022 national budget, sa tulong ng Department of Health (DOH).
Ayon pa sa kanya, natutuwa umano siya dahil napiling pagtatayuan ay pawang mga malalayong lugar dahil nais umano na ilapit ang serbisyong medikal sa mga kababayan na malalayong lugar, partikular na ang mga nasa fourth, fifth, and sixth class municipalities na walang pondo para magpatayo ng ospital.

Ipinaliwanag ni Go na ang mga super health center ay medium-type polytechnic clinics na mayroong out-patient department, laboratory, at X-ray at ultrasound equipment. Ang mga klinikang ito ay nagbibigay din ng mga serbisyo sa panganganak, diagnostic, parmasyutiko at pang-emergency, at marami pang iba.
Mas maliit umano ito sa ospital ngunit mas malaki sa rural health unit (RHU). Ang local government unit (LGU) ang mamahala, i-implement ng DOH at i-turn over sa LGU at sila na mag-operate.
Aniya, ang pondo para sa 307 super health centers, siyam dito ay nasa Pangasinan, ay nagmula sa 2022 national budget.
Samantala, ang pondo para sa 322 pa, 10 dito ay sa Pangasinan, ay magmumula naman sa 2023 national budget. |ifmnews
Facebook Comments