IKATLONG ARAW NG DISTRIBUSYON: 714 SENIOR CITIZENS TUMATANGGAP NG SOCIAL PENSION SA DAGUPAN CITY

Pinasinayaan ngayong Huwebes, Disyembre 11, ang ikatlong araw ng distribusyon ng 4th Quarter Social Pension (SOCPEN) kung saan 714 senior citizens ang kabuuang benepisyaryong tumatanggap ng tig-₱3,000 na ayuda para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at pangangailangang medikal.

Kabilang sa mga nakatakdang tumanggap ngayong araw ang mga nakatatanda mula sa Barangay Lasip Grande, Lasip Chico, Poblacion Oeste, Pogo Chico, Pogo Grande at Tapuac.

Pinangasiwaan ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines – Dagupan, Office of the Senior Citizens Affairs, at City Treasury Office ang maayos na pagsasagawa ng payout.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pambansang pamahalaan para sa kanilang patuloy na suporta sa mga senior citizens, at tiniyak na magpapatuloy ang programang Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Facebook Comments