Ikatlong asset recovery meeting ng technical working group ng ICI, sisimulan na mamaya; CAAP wala pang natatanggap na sagot sa air asset issue ni Zaldy Co

Magko-convene na ang Technical Working Group (TWG) ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at iba pang ahensya ng gobyerno mamayang ala-una ng hapon.

Ito’y para sa ikatlong asset recovery meeting na nakatuon sa restitution o pagbawi sa mga ninakaw sa taumbayan kaugnay ng anomalya sa mga proyekto sa flood control.

Ayon sa ICI, inaasahang present mamaya sa pulong sa tanggapan ng komisyon sa Taguig City ang mga pinuno o kinatawan ng 19 na ahensya ng pamahalaan.

Dito, tatalakayin nila ang inter-agency coordination efforts para sa ill-gotten assets. Kabilang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Bureau of Customs (BOC).

Una nang na-freeze ang nasa P4-billion assets ni Co, bukod pa sa mahigit 3,500 bank accounts, 198 insurance policies, 247 motor vehicles, 178 real properties, at 16 e-wallet accounts ng iba pang sabit sa anomalya.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na P12-billion assets na ang na-freeze ng AMLC kaugnay ng corruption probe, kabilang ang air assets ni dating Cong. Zaldy Co.

Facebook Comments