Ikatlong batch ng mga nasawing OFW sa Saudi Arabia, darating sa bansa ngayong hapon

Panibagong batch ng mga nasawing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang darating sa bansa ngayong hapon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 54 na mga labi ng mga OFW ang kabilang sa ikatlong batch ng mga repatriates, kung saan 20 dito ay mula sa Alkhobar at 18 ay nasawi dahil sa COVID-19, 10 ay manggagaling sa Jeddah na lahat ay tinamaan din ng COVID-19, 24 naman ay mula sa Riyadh at 11 dito ang nasawi sa virus.

Sa tala ng DOLE, nasa 137 na ang mga naiuwing nasawing mga OFWs.


Lahat ng mga nasawi sa COVID-19 ay agad na isasailalim sa cremation bago ibigay sa kanilang mga kamag-anak ang abo, habang ang mga nasawi sa ibang kadahilanan ay agad na iuuwi sa kanilang mga lalawigan.

Facebook Comments