Tuloy-tuloy na ikinakasa ng gobyerno ang pamamahagi ng financial assistance sa rice retailers at sari-sari owners sa Caloocan City.
Ito’y sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa abiso ng lokal na pamahalan ng Caloocan, nasa 172 benipisyaryo ang nakinabang sa ₱15,000.00 na ayuda mula sa pamahalaan.
Sa nasabing bilang, 103 ay sari-sari store owners kung saan lahat ay nakasunod sa ipinatupad na Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inihayag pa ng Caloocan LGU, na magtutuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa iba pang rice retailers at sari-sari owners na nakalista sa 3rd batch.
Matatandaan naman na inihayag ni Pangulong Marcos Jr., na epektibo ngayong araw ay lifted na ang ipinatutupad na EO No.39.
Pero kahit lifted na ang kautusan, tuloy pa rin ang ayuda sa mga magsasaka at sa mga mahihirap na pamilya.