IKATLONG BATCH NG SCHOLARSHIP PAYOUT, IPINAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL NA DAGUPENO

‎Isinagawa ang distribusyon ng ikatlong batch ng Scholarship Payout sa Dagupan City na hindi lamang naghatid ng tulong-pinansyal kundi nagsilbi ring ligtas na espasyo para sa kaalaman, inspirasyon, at pangangalaga sa mental health ng mga iskolar.

Tampok sa distribusyon ang palaro ng pamahalaang panglungsod at inspirational talks na naglalayong palakasin ang loob at kumpiyansa ng kabataan.
‎ ‎Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kalusugang pangkaisipan kasabay ng pagpupursige sa pag-aaral. ‎
‎Ipinabatid din sa mga iskolar na nakahanda ang lungsod na makinig at tumulong.

Paalala ng mga opisyal, isang tawag lang ang pagitan sa tulong at suporta sa pamamagitan ng city hotline, bilang patunay na ang pamahalaang lungsod ay kaagapay ng kabataan sa bawat hamon ng kanilang akademiko at personal na paglalakbay.

Facebook Comments