Ikatlong “Bayanihan, Bakunahan” extended hanggang Feb. 18

Isang linggo pang pinalawig ng Department of Health ang paglulunsad ng ikatlong round ng “Bayanihan Bakunahan.”

Sa anunsyo ng ahensya, sa halip na hanggang ngayong araw na lamang ay in-extend ang national vaccination drive hanggang sa susunod na Biyernes, Pebrero 18.

Nabatid na limang milyong indibidwal ang target na mabakunahan ng primary doses at booster shots sa ikatlong round ng bakunahan.


Sa ngayon, halos 60 milyong Pilipino na ang nakakumpleto sa bakuna habang 8 milyon ang nakatanggap na rin ng booster dose.

Umabot na rin sa 52,000 ang bilang ng mga batang edad 5 hanggang 11 ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments