Ikatlong bugso ng cash assistance ng DOLE para sa mga manggagawang naapektuhan ng Alert Level 3, ikakasa na bago matapos ang Enero

Ikinakasa na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga manggagawa sa formal sector na naapektuhan sa pagsasailalim sa Alert Level 3 ng Metro Manila at iba pang lugar.

Ayon kay DOLE Asec. Dominique Rubia-Tutay, nakatakda ito bago matapos ang Enero.

Aniya, aabot sa tig-P5,000 para sa 200,000 manggagawa na katumbas ng P1 bilyong pondo ang ibibigay na ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).


Base sa talaan ng DOLE, sa unang anim na araw ng taong 2022, mahigit 3,000 empleyado sa bansa ang nawalan ng trabaho sa mahigit 200 establisimyento dahil nagsara ang kanilang kumpanya o na-retrench sila.

Dagdag pa ni Tutay, maglalaan din ng P50 milyon na ayuda para sa mga nagtatrabaho sa tourism sector na naapektuhan ng mga restriction.

Inaasahan pa ng DOLE na tataas ang bilang ng mga nawawalan ng trabaho kapag nabuo na nila ang talaan para sa unang dalawang linggo ng 2022 sa darating na Lunes.

Facebook Comments