Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint National at Regional Peace and Order council meeting ngayong araw sa Kampo Krame.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, ito na ang ikatlong beses na pamumumuan ng pangulo ang command conference ng kapulisan.
Ani Fajardo, dito inaasahang tatalakayin ng liderato ng Pambansang Pulisya kay Pangulong Marcos ang latag ng seguridad ngayong Holiday season gayundin ang mga ginagawang paghahanda ng PNP sa pagsisimula ang election period pagsapit ng Enero at iba pa.
Samantala, pinabulaan ni Fajardo na bahagi ng ‘loyalty check’ ang gagawing command conference ngayong araw.
Sa katunayan, matagal na aniyang naka-set ang security meeting na nakadepende sa schedule ng pangulo.