Bubuksan na bukas ang ikatlong Community Isolation Facility (CIF3) sa Navotas City na kabilang sa mga hakbang ng pamahalaang lokal para matugunan ang hamon ng COVID-19.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, ang lugar na ginawang CIF3 ay plano sanang gawing Navotas Centennial Park.
Ngunit para makatugon sa pandemya, kinailangan aniyang isantabi at isakripisyo muna ang nabanggit na proyekto at iba pang programa ng lungsod.
Ang CIF3 ay binubuo ng 50 container vans na may 200 rooms na kumpleto sa kama, banyo, aircon at WiFi sa layuning maging komportable rito ang mga pasyente.
Gayunpaman, pinayuhan ni Mayor Tiangco ang mga taga-Navotas na huwag ng pangarapin na masubukan ang CIF 3 kaya dapat ay pag-ibayuhin ang pag-iingat laban sa virus.
Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pangunguna ni Sec. Mark Villar, na tumulong para maipatayo ang nabanggit na pasilidad.