Target na buksan ng Philippine Red Cross (PRC) ang ikatlo nitong COVID-19 laboratory sa Port Area, Maynila sa Martes, April 28.
Ayon kay PCR Chairman at Senator Richard Gordon, naghihintay na lang sila ng approval mula sa Research Institute for Tropical Medicine para masimulan ang pagsasagawa ng COVID-19 tests.
Sakaling makapag-operate na, aabot sa 12,000 test kada araw ang magagawa ng tatlong laboratoryo.
Una nang binuksan ng PRC ang dalawang COVID-19 laboratories nito sa mandaluyong.
Ayon kay Gordon, galing sa China ang test kits na ginagamit sa PCR laboratories kaya kailangang magbayad ng pasyente ng P3,500 para sa test.
Gayunman, maaari naman aniya itong mai-reimburse sa tulong ng PhilHealth.
Samantala, tumatanggap din sila ng walk-in patients na nais magpa-test pero kailangang tumawag muna sa kanilang hotline 1158.
Magpapadala naman ang PRC ng text message na maaaring ipakita ng pasyente para makadaan sila sa checkpoint.