IKATLONG DRIVE THRU SALIVA RT PCR TESTING SA PANGASINAN, PORMAL NG INILUNSAD SA SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Pormal na naisagawa ang signing ng memorandum of agreement at ribbon cutting ceremony sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos, Philippine Red Cross at isang private mall company para sa Saliva RT-PCR Test Drive Thru Collection Facility.

Layunin ng pagtutulungan na ito na makapagbigay ng “Accessible, Accurate and Affordable” na RT-PCR testing sa mga mamamayan na nangangailangan nito.

Ayon kay Maybelyn Fernandez, Chairman ng Board of Directors ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter, ito ay naglalayong magbigay sa mga kababayan ng alternatibong pagpipilian ukol sa COVID-19 test at pagbibigay ng serbisyo sa gitna ng pandemya.


Mas mababa ng halos kalahating porsyento kumpara sa nakagawiang Swab RT PCR Testing. Pwedeng magpabook online o makipag ugnayan sa pinakamalapit na Red Cross office.

Itong pasilidad na ito ay bukas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes para sa may mga appointments at maaari ding makapag test dito ang mga karatig na bayan. Ito na ang pangatlong Saliva RT-PCR Test Drive Thru Collection Facility sa Pangasinan.

Samantala, sinabi ng alkalde ng lungsod na si Mayor Julier Resuello, na magbibigay ng assistance ang lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan nito na napapabilang sa indigent population na nais magpatest na nangangailangan ng agarang RT-PCR testing upang bumiyahe, o makapagtrabaho.

Facebook Comments