Ikatlong Imbestigasyon Ng Senado Sa 81-Million Us Dollar Money Laundering Scandal, Bukas – Kasado Na

12

MANILA – Aarangkada na bukas ang ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa 81 million US dollar money laundering scandal.Inaasahan ang pagpunta sa pagdinig ng negosyanteng si Kim Wong na siyang itinuturo ng bank manager ng Rizal Commercial Banking Corp. si Maia Santos-Deguito na nagbukas ng apat na bank accounts kung saan dito ipinasok ang 81 million dollar.Ayon sa abogado ni Wong na si Inocencio Ferrer Jr., handang humarap ang kanyang kliyente sa Senado at isiwalat lahat ng kanyang nalalaman sa ninakaw na pera.Itatama din aniya nito ang mga maling testimonya kaugnay sa paglilipat ng pera sa philippine financial system mula sa Bangladesh Central Bank.Matatandaang sa naunang dalawang pagdinig, bigo si Wong na makadalo sa senate hearing dahil nasa Singapore ito at nagpapagamot.

Facebook Comments