Tinanggap ngayong araw ng Office of the Secretary General ng Kamara ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Siyam ang complainants nito na kinabibilangan ng apat na pari na sina: Reverend Father Antonio Labiao Jr., Rico Ponce, Dionisio Ramos at Esmeraldo Reforeal.
Kasama rin sa signatories ang mga lider ng iba’t ibang non-government organization at mga abogado kasama ang kinatawan ng Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao.
Nakasaad sa impeachment complaint na nilabag ni VP Sara ang konstitusyon at nagtaksil siya sa tiwala ng publiko dahil sa pagsasagawa ng pandarambong, o malversation, katiwalian at iba pang matinding krimen.
May kaugnayan ito sa kwestyunableng paggastos sa multi-milyong pisong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Ang ikaltong impeachment complaint ay inendorso nina Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Lex Anthony Colada.