
Inihain ngayong hapon ang sana ay ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Kabilang sa complainants sina dating Congressman Mike Defensor at Jing Paras, kasama sina Atty. Ferdinand Topacio, dating Governor Chavit Singson, dating NICA Chief Hermogenes Esperon at iba pa.
Ngunit, hindi ito tinanggap ng Office of the Secretary General dahil nasa Taiwan si Secretary General Cheloy Garafil.
Ayon kay Defensor, muli silang magpupulong para pag-usapan kung ano ang susunod nilang hakbang.
Sa tingin ni Defensor, ay tila wala nang saysay para bumalik sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa muling pagbabalik ng session sa susunod na linggo ay posibleng agad maisama sa order of business ang unang impeachment complaint laban kay President Marcos Jr. na inihain ni Atty. Andre’ de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Representative Jernie Jett Nisay.










