Fully recovered na ang ikatlong indibidwal na tinamaan ng monkeypox sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nakumpleto na ng 29 taong gulang na pasyente ang kinakailangang isolation period at binigyan na rin ng clearance certificate noong Setyembre 8.
Labing tatlo sa 17 closed contacts naman ng pasyente ang nakatapos na ng self-monitoring period habang 4 naman ang tapos na sa quarantine, kung saan lahat ay asymptomatic.
Nakalabas na rin ng ospital ang ika-apat na tinamaan ng sakit sa bansa noong Setyembre 15.
Samantala, hindi pa masasabi ng DOH na wala pang local transmission ng monkeypox sa bansa, dahil kulang ang ahensya sa kailangang impormasyong para maalis ang posibilidad ng local transmission ng naturang sakit sa bansa.