Ikatlong nagpakilalang Alice Guo, hindi tugma ang finger prints sa 2 naunang Alice Guo

 

Inanunsyo ni National Bureau of Investigation o NBI Director Jaime Santiago na hindi nagtugma ang finger print ng isa pang Alice Guo na mula noong 2005.

Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nag-apply ng NBI clearance ang ikatlong Alice Guo noong 2005 sa Project 8 Quezon City.

Pero, nang suriin aniya ang lugar kung saan nakatira ang indibidwal batay sa record ay walang Alice Guo na natagpuan.


Una nang nagtugma ang finger print ng suspendidong alkalde sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping

Iginiit ni Santiago na iisa lang si Guo at Guo Hua Ping.

Dagdag ni Santiago, inaalam na nila kung anong pakay ng ikatlong nagpakilalang Alice Guo.

Isa aniya sa sinusuri nila ay kung may nag-utos dito para magpakilala bilang Alice Guo.

Kaya nanawagan ang NBI director sa publiko na lumapit sa kanila sakaling may impormasyon sa nagpakilalang isa pang Alice Guo dahil makatulong ito sa imbestigasyon.

Facebook Comments