MANILA – Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units na makiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na gagawin, ngayong araw.Ayon kay DILG Secretary Mike Sueno, layong ng nasabing aktibidad na matukoy kakayahan ng pamahalaan sa pagresponde sa lindol at tsunami at ng oplan metro yakasl plus na inihanda ng Office of the Civil Defense.Gaganapin mamayang alas nuebe ng umaga ang ceremonial site ng earthquake drill sa Juana Village, Barangay San Francisco Biñan City, Laguna.Sa interview ng RMN kay NDRRMC Spokesman Romina Marasigan, muli nitong hinakayat ang publiko hindi lamang ang mga lokal na pamahalaan na seryosohin ang mga isinasagawang Earthquake Drill para maging handa ang bawat isa sakaling tumama ang malakas na lindol sa bansa.Pangungunahan ng DILG at OCD ang Earthquake Drill habang ang NDRRMC naman ang tututook sa command and control mechanism para sa disaster operations.
Ikatlong Nationwide Earthquake Drill, Isasagawa Ngayong Araw
Facebook Comments