Ikatlong pagdinig ng Senado sa E-sabong, nakatakda na sa susunod na linggo

Nagtakda ng ikatlong pagdinig ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa operasyon ng E-Sabong at pagkawala ng 34 na sabungero.

Ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, gaganapin ang pagdinig sa Lunes, Marso 21 dahil may linaw na umano ang pulisya sa pagkawala ng mga sabungero.

Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na maghihintay muna ang Senado ng update sa imbestigasyon ng mga otoridad kung kaya’t hindi muna ito nagpatawag ng hearing ngayong linggo.


Sa ngayon ay nag-iimbestiga na rin ang Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (CIDG-PNP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments