Ikatlong Pilipinong Santo, posibleng maideklara

Manila, Philippines – Kapag nagkataon, madadagdagan pa ang bilang ng mga Filipinong tatanghaling Santo ng Vatican Church.

Ito ay kasunod ng isinusulong ng mga Filipino sa Vatican ang Beatification and Canonization ng tinatawag na Servant of God na si dating Bishop Alfredo Florentin Verzosa.

Bilang isang pari, ipinaglaban nang noon ay si Father Verzosa ang pagprepreserba o pagpapatatag sa Roman Catholicism laban sa umuusbong Aglipayan schism sa pagsisimula ng ika-20 siglo.


Sa edad na 39 noong 1917 ay naatasan si Verzosa bilang Obispo ng Diocese of Lipa na noon ay binubuo ng mga lalawigan ng Batangas, Tayabas Quezón, Laguna, Mindoro at Mariduque.

Pastoral priority ni Verzosa Catechism at ang marubdob na hangarin niyang ito ang nagtulak upang itatag ang foundation ng Missionary Catechists of the Sacred Heart noong 1923.

Pangunahing rekisito upang ma-beatify si Verzosa ay kung may naganap na himala sa pamamagitan ng kanyang intercession at isang milagro para sa kanyang Canonization.

Facebook Comments