Ikatlong progress report ng Bangsamoro Organic Law, tinanggap ni PBBM ngayong umaga

Tinanggap ngayong umaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ikatlong progress report ng Bangsamoro Organic Law.

Layunin nitong palakasin ang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang Intergovernmental Relations Body (IGRB) ay itinatag sa ilalim ng section, Article 6 ng RA 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL).


Mandatong nitong pangunahan ang pakikipag-ugnayan at resolbahin ang mga isyu sa pagitan ng pamahalaan at Bangsamoro government sa pamamagitan ng regular consultations at negosasyon para makamit ang parehong layunin.

Responsable rin ito sa pag-operate at pag-oversee ng iba pang intergovernmental relations mechanisms na nakasaad sa Bangsamoro Organic Law.

Facebook Comments