Bilang paghahanda sa nakaambang epekto ng mga lindol, matagumpay na isinagawa sa bayan ng Lingayen ang ikatlong quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon, ikapito ng Setyembre.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Office of the Civil Defense Region 1 kung saan ginanap ito sa Lingayen Campus ng Pangasinan State University (PSU).
Dito, aktibong nakilahok ang daan-daang mag-aaral at kaguruan ng unibersidad para isagawa ang mga dapat gawin sakaling may lindol sa bayan sa anumang oras.
Layon ng makabuluhang aktibidad na ito ay upang maipaalala sa mga kalahok ang mga hakbang, partikular na ang “duck, cover at hold” na unang ginagawa kapag may paglindol.
Ibinahagi rin ang magiging hakbang sakaling may mangangailangan ng paunang lunas.
Naging posible ang aktibidad sa tulong ng OCD Region 1, LGU Lingayen, pamunuan ng PSU, mga kawani ng BFP, PNP, MHO, MSDWO LDRRMO at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments