Manila, Philippines – Pormal nang nagsimula ang 3rd regular session ng Senado at Kamara.
Dito ay inaasahang ilalahad ni Senate President Tito Sotto III ang mga prayoridad ng Senado.
Habang ipinagmalaki naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga na-accomplish ng mababang kapulungan sa nakalipas na dalawang taon.
Isa na rito ang inaprubahan nilang pagtaas ng sahod ng mga uniformed personnel.
At kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Senado ay ina-adopt at inaprubahan na ang bicameral conference committee report ukol sa proposed bangsamoro organic law.
Pasado alas-10:00 ng umaga nang ilahad ito sa plenaryo at wala namang naging pagtutol ang mga miyembro ng kapulungan.
Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala bilang ganap na batas bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon.