Ikatlong regular session ng 18th Congress, pormal nang nagbukas

Pormal nang binuksan ng Senado at Kamara ang ikatlong regular session ng 18th Congress.

Sa pangunguna ni senate President Vicente Sotto III, kasama ang labing tatlong senador na physically present at siyam na virtually present ay inaprubahan nito ang Senate Resolution 782 at 783 para sa pormal na pagbubukas ng Senado sa ikatlong regular session ng 18th Congress.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Sotto na patuloy na gagawa ang Senado ng mga batas na tutugon sa pandemya at bubusisi sa pondo ng pamahalaan lalo na’t ito ang pangunahing problema sa ngayon ng bansa.


Kasabay nito, nanawagan si Sotto ng pagkakaisa para sa paglaban sa pandemya.

Samantala, nasa 298 kongresista ang umattend physically at virtually sa pagbubukas ng Kamara sa opening ng 3rd regular session na pinangunahan ni Deputy Speaker Michael Romero.

Sa opening remarks naman ni House Speaker Lord Allan Velasco, tiniyak nito ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa Duterte administration.

Naging simple lang ang pagbubukas ng 3rd regular session ng 18th Congress ngayon taon.

Facebook Comments