Binuksan na ang solar-powered na irrigation system sa Brgy. Castro, Sudipen, La Union, na pinondohan ng lokal na pamahalaan mula sa Development Fund noong 2025.
Nagkakahalaga ng higit P1.9 milyon ang proyekto na layuning maging modernong pasilidad para sa pagsasaka.
Ang proyekto ang pinakamalaki at ikatlong solar-powered irrigation sa bayan bilang kontribusyon sa paglago ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Hinimok naman ng tanggapan ang mga magsasaka ng wastong pangangalaga sa pasilidad upang mapakinabangan pa ng mas mahabang panahon.
Inaasahan na makatutulong magbigay ng matatag at maasahang patubig sa mga sakahan para sa mas masaganang produksyon ng mga pananim. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










