Naging mapayapa sa pangkalahatan ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, walang naitalang untoward incident ang Pambansang Pulisya ngayong SONA.
Ani Fajardo, tagumpay kung maituturing ang katatapos lamang na SONA ng pangulo.
Kasunod nito, nagpapasalamat ang PNP sa lahat ng grupo, ito man ay pro o anti- government dahil isinagawa nila ang kani-kanilang aktibidad nang maayos at mapayapa.
Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 4,000 ang nakiisang pro-govt. habang nasa 3,500 naman ang anti-government protesters.
Facebook Comments