Ikatlong SONA ni PBBM, pangangasiwaan ng RTVM – PCO Sec. Garafil

Pangungunahan ng Presidential Broadcast Staff na Radio Television Malacañang o RTVM ang pagpapatakbo sa programa ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa July 22.

Ito ang tugon ng Presidential Communications Office (PCO) sa tanong ng media kung sino ang magiging direktor ng ikatlong SONA ng Pangulo.

Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, katulad sa nakaraang taon RTVM pa rin ang mangangasiwa ng programa sa SONA.


Wala rin aniyang partikular na pangalan ang magiging direktor ng nasabing programa.

Matatandaang si dating Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano ang naging direktor ng unang SONA ng pangulo habang ang RTVM naman ang nangasiwa ng ikalawang SONA.

Ang RTVM ang regular na nangangasiwa at nangunguna sa mga coverage at lakad ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook Comments