Ikatlong Taong Anibersaryo Ng Pananalasa Ng Bagyong Yolanda, Ginugunita Sa Tacloban City

9

TACLOBAN CITY – Sinimulan nang gunitain sa Tacloban City ang ikatlong taong pananalasa ng bagyong Yolanda.Daan-daang kandila ang sinindihan sa Scranton Monument sa bahagi ng Fatima Village bilang pag-alala sa mga nasawi noong nanalasa ang bagyo.Sa kabila ng kanilang pangungulila, ayon kay Jeff Manibay, convenor ng one Tacloban, nais pa rin nilang ipakita ang kanilang pagkakaisa at muling pagbangon.Aniya, nagpapasalamat rin sila sa mga indibidwal, mga organisasyon, mga dayuhan na nagbigay ng tulong sa kanila lalo na sa pinansyal.

Facebook Comments