Posibleng tumanggap na ng subscribers ang napiling ikatlong major telco player sa bansa sa huling bahagi ng taon, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sinabi ni DICT secretary Eliseo Rio na sinimulan na ng Mislatel ang pag-aayos ng network nito at pagtatayo ng cell sites, dalawang buwan na ang nakararaan.
Hinihintay na lamang ang P25.7 billion “performance bond” nito na isusumite ayon mismo sa Mislatel sa July 8.
Habang naghahanda ang Mislatel, nangako naman ang dalawang kasalukuyang telco sa bansa na Globe at PLDT na tatapatan ang ipinangakong broadband speed ng ikatlong telco na 27 Mbps.
Inaasahang fully operational na ang Mislatel sa unang bahagi ng 2020.
Facebook Comments