IKATLONG TELECOM PLAYER | PLDT, pormal nang ibabalik ang kanilang radio frequencies

Manila, Philippines – Pormal nang isasauli ng Philippine Long Distance Company o PLDT ang ilan sa kanilang radio frequencies na kakailanganin naman ng papasok na ikatlong telecom player sa bansa.

Ayon kay PLDT President and CEO Manny V. Pangilinan, ibabalik na nila ang 10 megahertz ng 3G radio frequency na ibinigay sa unit ng kumpanyang Connectivity Unlimited Resource Enterprise (CURE) nang libre.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) O-I-C Eliseo Rio, ang sulat ng PLDT ay ipinagbigay alam na kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Nabatid na hindi tinanggap ng Pangulo ang ideyang kailangan pang bayaran ng gobyerno ang mga telcos para lang magbalik ng frequencies.

Facebook Comments