Ikawalong SOPA ni Gov. Lala Talino-Mendoza, itinakda!

Maglalahad si North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Mendoza ng kanyang ika-walong State of the Province Address (SOPA) sa March 20 nitong taon kasabay ng 77th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan. Sinabi ni Provincial Planning Officer Loreto Cabaya, asahang ilalahad ni Gov. Mendoza sa kanyang SOPA ang mga napagtagumpayan ng provincial government sa nakalipas na taon sa usapin ng kalusugan, edukasyon, imprastraktura, ekonomiya at higit sa lahat sa usapin ng peace and order sa probinsya, ipapabatid din ng Gobernadora ang mga nagpapatuoy at pinaplano pang mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan. Kaugnay nito, hinihikayat ni Provincial Planning Officer Cabaya ang mamamayan ng North Cotabato na pakinggang ang SOPA ni Gov. Mendoza, karapatan anyang malaman ng nasasakupan ang mga pagsisikap na ginagawa ng kanilang lideres.

Facebook Comments