Manila, Philippines – Ikinababahala ng grupong Bagong Alyansang Makabayan na pumalo nang hanggang sa 6 na porsyento ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin pagsapit ng Pasko.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes matagal na nilang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang excise tax sa langis na bahagi ng ipinatutupad na TRAIN law.
Inihalimbawa pa nito ang sitwasyon bukas kung saan muling magsisitaasan ang presyo ng produktong petrolyo.
Giit ng grupo na malinaw na ang pangakong kaginhawaan ng TRAIN law sa mamamayan ay kabaliktaran sa tunay na sitwasyon ngayon kung saan pataas ng pataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin gayung hindi naman tumataas ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa.
Facebook Comments