Iligan- Tatlo ang patay dahil sa sakit na dengue sa lungsod ng Iligan nitong buwan lang ng Enero taong kasalukuyan.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Carlito Ballesta ng City Health Office sa patuloy nilang pag-monitor sa naturang sakit.
Ayon kay Ballesta, nakapagtala sila ng labing siyam katao na nagkakasakit ng dengue noong buwan ng Enero at tatlo sa kanila ay namatay.
Bagay ito na ikinabahala ng City Health Office sapagkat patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa lungsod.
Sinabi ni Ballesta na kailangan talagang magpa kunsulta agad kung may lagnat ang isang indibidwal para agad na maagapan kung sakaling dengue na ito.
Ang barangay tubod sa Iligan ang tinututukan ngayon ng City Health Office dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.