IKINABAHALA | Kaso ng patayan sa bansa, garapalan na kaya; Firearms control mas pinapahigpitan pa ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Ikinabahala ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang garapalan ng mga kaso ng pagpatay sa bansa.

Nababahala si Lacson, na kahit sa ilalim ng liwanag ng araw at sa harap ng publiko ay malayang naisasagawa ang paglabag sa batas at pagpatay sa mga pari, prosecutors at maging sa mga opisyal ng pamahalaan.

Reaksyon ito ni Lacson, kasunod ng pagbaril at pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili habang dumadalo sa flag ceremony sa munisipyo kaninang umaga.


Bunsod nito ay iginiit ni Senator Lacson sa Philippine National Police o PNP na gawing mas mahigpit pa ang firearms control strategies sa bansa.

Diin ni lacson, isang hamon sa pambansang pulisya na tiyaking hindi na mauulit at lalaganap ang mga kaso ng patayan at tila kawalan ng takot ng mga kriminal sa batas.

Facebook Comments