Manila, Philippines – Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang madugong dispersal ng mga pulis sa mga nagprotestang manggagawa ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.
Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline De Guia, mariin nilang kinokondena ang pangyayari.
Nakakalungkot anya na mangyari ito lalo at pumapagitna na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa girian.
Ani De Guia, isang quick response team na ang kanilang ipinadala para imbestigahan ang insidente.
Pinaalahanan ng CHR ang mga pulis at mga gwardya na pairalin ang maximum tolerance at kailangang manaig ang ‘rule of law’.
Nakiusap din ang CHR sa mga raliyista na huwag gumawa ng karahasan at ilegal na aktibidad sa paggiit ng kanilang karapatan.
Tiniyak naman ng CHR na mananatili silang mapagmatyag laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa karapatang-pantao.