IKINABAHALA | Pagpaso sa kontrata ng 2 insurance provider, ikinabahala

Manila, Philippines – Posibleng wala nang matatanggap na benepisyo ang mga biktima ng aksidente ng pampublikong sasakyan simula ngayong araw.

Kasunod ito ng pagpaso ng kontrata ng dalawang insurance concessioner ngayong Nobyembre 17,2018.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), malaki na sana ang benepisyong makukuha ng pamilya ng maaksidente lalo pa at itinaas na sa ₱400,000 ang accident benefit mula sa dating ₱200,000 lamang.


Sa panig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sinulatan na ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ang Department of Transportation (DOTr) at hiniling na palawigin muna ang umiiral na kontrata ng dalawang insurance provider.

Sinabi naman ni Atty. Inton mas mabuti sana na maglabas na lang ng status qou order ang Insurance Commission habang hindi pa nakakabuo ng panuntunan para dito lalo pa at wala namang bagong service provider na nagpapakita ng interes na pumasok sa kontrata.

Kapakanan aniya ng mga commuters ang dapat mangibabaw lalo pa at ang aksidente ay nakaamba anumang oras.

Una nang naglabas ng department order ang DOTr na nag-aatas na tatanggap na ng bagong mga player na magbibigay ng insurance sa Public Utility Vehicle (PUV) sa bansa at inalis na sa kamay ng LTFRB at inilipat sa pamamahala ng Insurance Commission.

Facebook Comments