Manila, Philippines – Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at militar na muling pag-aralan o i “re-assess” ang war on drugs ng gobyerno.
Umaasa si CHR spokesperson Jacqueline de Guia na ang pag-amin ng Pangulo na posibleng naabuso ang war on drugs ay hahantong sa paghahanap ng pamamaraan para parusahan ang mga nang abuso sa kapangyarihan.
Naniniwala ang CHR na ang paglutas sa kahirapan at kawalan ng edukasyon ang dapat tutukan para maugat ang sanhi ng suliranin sa droga.
Ang direktiba aniya ay dapat maging panggising sa mga otoridad na magsilbi at protektahan ang karapatang pantao sa lahat ng pagkakataon.
Facebook Comments