IKINAGALAK | "Good" satisfaction rating ng Duterte cabinet – welcome kay PCOO Sec. Andanar

Manila, Philippines – Welcome kay Presidential Communication Operations Office Sec. Martin Andanar ang pinakabagong satisfaction rating ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong September 15 hanggang 23, nakakuha ng “good” o +32 net satisfaction rating ang gabinete.

Mas mataas ito ng pitong puntos kumpara sa satisfaction rating nila sa ikalawang quarter ng taon na “moderate” o +25.


Ayon kay Andanar – gagamitin nila ang survey para mas pag-igihin pa ang kanilang trabaho at tumutok sa mga iniaatas ng Pangulo.

Samantala, sa parehong survey, nakakuha rin ng “good” satisfaction rating ang senado (+48), kamara (+36) at ang korte suprema (+31).

Facebook Comments