Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacanang ang resulta ng Survey ng Social Weather Station o SWS kung saan makikita na 30% ng ating mga kababayan ang nakawala na sa kahirapan.
Batay kasi sa survey ay makikita na 1 sa bawat 3 sa ating mga kababayan ang naalis na sa pagiging mahirap.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alam naman ng lahat na ginagawa ng Pamahalaan ang lahat para mapabuti ang buhay ng ating mga kababayan kung saan tinututukan ng pamahalaan ang sustainable at resilient na paglago.
Ibinida din ni Roque na pinalawig pa ng Pamahalaan ang access ng mamamayan sa Free Education, gamot at healthcare at marami pang pangunahing serbisyo para matiyak na nararamdaman ng mamamayan ang epekto ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Tiniyak ni Roque na patuloy na magtatrabaho ang Pamahalaan para mapababa ang inequality sa bansa at mapalaki pa ang economic opportunity para mapagaan ang buhay ng mga Pilipino.