IKINAGALAK | Pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao, ikinatuwa

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-apruba ng Kamara at Senado sa martial law extension sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo – malaking responsibilidad ang nakaatang ngayon sa militar kasunod ng desisyon ng Kongreso.

Kabilang na aniya rito ang pagtapos sa rebelyon sa Mindanao at pigilan ang pagkalat ng lawless violence sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Tiniyak naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na ipagpapatuloy ng militar ang mandato nitong pangalagaan ang soberanya ng bansa at protektahan ang demokratikong pamumuhay ng mga Pilipino.

Aniya, iingatan at hindi nila sasayangin ang tiwala ng sambayanan.

Sa panig naman ng pambansang pulisya, tiniyak din ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na itataguyod ang karapatang pantao sa panibagong isang taong extension ng batas militar.

Facebook Comments