Manila, Philippines – Sa kabila ng mga kinasasangkutang kontrobersyal na pagpatay sa mga menor edad ng Caloocan PNP, naging most trusted station ang Caloocan PNP batay sa 2017 survey na ginawa ng National Police Commission.
Pumapangalawa ang Quezon City PNP, pangatlo ang Marikina PNP habang kulelat o pinaka-huling pinakakatiwalaan sa labing apat na Police Station sa National Capital Region ang dalawang police station na Mandaluyong City PNP at Valuenzela City PNP.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ikinagulat niya ang resulta ng survey pero sinabi nyang isa itong positive development dahil naging epektibo ang ginawa nilang pagpapalit sa buong hanay ng Caloocan PNP nitong nakalipas na taon matapos ang sunod-sunod na pagkakapatay ng mga menor de edad na sangkot ang mga pulis Caloocan.
Hindi naman ikinagulat ni Dela Rosa ang pagiging huli sa survey ng Mandaluyong PNP dahil kahit wala naman aniyang ginawang survey ay kapansin-pansin ang pagiging malamya ng Mandaluyong PNP lalo na pagdating sa operasyon kontra iligal na droga.
Sa ngayon paaalalahan ni PNP Chief ang mga namumuno sa Mandaluyong PNP at Valuenzuela PNP na mas pag-igihan pa ang kanilang performance upang mas maging kapaki-pakinabang sa kanilang area of responsibility.