Manila, Philippines – Ikinakasa na ng Magnificent 7 ang impeachment compaint laban sa walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, iniipon at tinatapos na lamang nila ang mga kailangang dokumento para maihain ang reklamo sa Kamara.
Kabilang sa mga grounds na ihahain laban sa mga Mahistrado ay culpable violation of the Constitution dahil nilabag ng mga Justices ang kapangyarihan ng Kongreso na magpatalsik ng isang impeachable officer sa pamamagitan ng impeachment proceedings at sinagasaan din ng mga ito ang poder ng Judicial and Bar Council na pumili ng karapatdapat na Punong Mahistrado.
Isa pa sa ground ang betrayal of public trust dahil sa hindi pag-inhibit ng mga Mahistrado lalo na iyong anim na tumestigo sa impeachment hearing ng Kamara.
Plano naman ng grupo na maghain ng individual complaint sa walong Mahistrado at uunahin nila ang anim sa walong Justices na tumestigo laban kay Sereno.