Wala nang makakaawat pa sa inihahandang mini job fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa susunod na linggo.
Kanina, isinumite na ng Radyo Trabaho team sa tanggapan ng Makati City PESO ang mga kinakailangang dokumento sa pagsasagawa ng job fair.
Masayang tinanggap ni Makati City PESO Officer Alex Abordonado, ang mga dokumento sabay sabing maganda ang pagkakaprepara ng mga papeles na ito.
Samantala, komento na lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinihintay ng Radyo Trabaho team.
Kailangan rin kase magsumite ng Radyo Trabaho team ng kaparehong dokumento sa DOLE.
Ito ang siyang panghahawakan ng DOLE bilang katibayan na mga lehitimong kumpanya na naghahanap ng trabahante ang magsisidalo sa araw ng job fair.
Sa panig ng Makati PESO, aprubado na ang mga dokumento ng nasa siyam na kumpanyang dadalo.
Kinabibilangan ang mga ito ng kumpanyang:
- Mrs. Wood Industries and Construction
- Philman Power Center
- STBN Manpower Agency and Allied Services Corp.
- Jolly Management Solutions, Inc
- Hernando Manpower Services
- BLE Best Manpower International Services, Inc.
- Harem Inc.
- Prime Mover Business Solutions Inc.
- Citi Global Realty & Development, Inc.
Gaganapin ang kauna-unahang job fair ng Radyo Trabaho sa Lunes, ika-25 ng Marso sa mismong himpilan ng DZXL 558 Radyo Trabaho na nasa 4th floor ng Guadalupe Commercial Complex, EDSA, Makati.