Manila, Philippines – Nilinaw ni LTOP President Orlando Marquez na hindi sila lalahok sa gagawing kilos protesta ng grupong Piston sa lunes upang tutulan ang plano ng gobyerno na jeepney phase-out.
Ayon kay Marquez pabor sila sa ginagawa ng gobyerno na modernization program sa transportasyon dahil nais umano ng pamahalaan na mapaganda ang transportasyon sa bansa.
Paliwanag ni Marquez hindi naiintindihan ng Piston na walang phaseout sa jeep bagkus ay modernisasyon kung saan pinagaganda ang transportasyon upang mabawasan na rin ang polusyon sa lansangan.
Plano kasi ng grupong Piston idaan nalamang sa lansangan ang kanilang mariing pagtutol sa plano ng gobyerno na tanggalin na ang mga jeep sa kalsada.
Una nang pinabulaanan ng DOT’r at LTFRB na tinatanggal ang mga pampasaherong jeep sa lansangan dahil ang ginagawa lamang umano ng gobyerno ay modernisasyon upang maging komportable ang mga pasahero at mabawasan na rin ang polusyon sa lansangan.