Manila, Philippines – Ikinalat na sa hanay ng Philippine National Police ang guidelines o gabay ng mga pulis sa paghuhuli ng mga tambay na may nilabag na mga city ordinance.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde matapos ang naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan ng PNP ang mga tambay na malimit aniya nagiging dahilan ng krimen sa isang lugar.
Aniya nakasaad sa guidelines na bawat police operations ay dapat pairalin ng pulis ang “sounds of discernment, good judgement” at pagrespesto sa karapatang pantao.
Aniya iniutos nya na rin sa mga PNP Regional Directors na ipakalat sa mga Chief of Police ang nilalaman ng guidelines.
Nilinaw naman ni Albayalde na hindi nila inaaresto ang mga tambay na hindi lumalabag sa ordinansa.
Dahil malinaw aniya ang kanyang direktiba sa mga pulis na dapat mga tambay na lumabag sa city ordinance katulad ng paginom, paninigarilyo sa kalsada at iba pa ang dapat lamang na inaaresto.
Kung may paglabag man aniya ang kanyang mga tauhan nanawagan si Albayalde na tumungo sa mga Human Rights Affairs Offices ng PNP.