IKINALENDARYO | Petisyon na kumukuwestiyon sa liderato ng Kamara, tatalakayin na ng SC

Manila, Philippines – Ikinalendaryo sa susunod na Supreme Court en banc session ang petisyon na kumukwestiyon sa liderato ng minorya ng Kamara.

Kasunod na rin ito ng kahilingan ni Supreme Court Associate Justice Jose Reyes Jr. para mabigyan sya ng sapat na panahon na mapag-aralan ang petisyon.

Sa susunod na en banc session ng Korte Suprema, malalaman din kung hihingian ng komento ang respondents sa petisyon o kaya naman ay idi-dismiss ang nasabing petisyon sa kawalan ng husrisdiksiyon.


Maari ding pagbigyan ng SC ang hiling ng petitioners na temporary restraining order.

Noong august 30, naghain sa Korte Suprema ang grupo ni Ilocos Norte Cong. Rodolfo Fariñas para hilingin ang pagpapalabas ng TRO o di kaya ay status quo ante order para pigilin ang pananatili ni Quezon Cong. Danilo Suarez bilang lider ng minorya sa Kamara.

Respondents sa petisyon sina House Speaker Gloria Arroyo, Congressman Suarez at si House Majority Leader Rolando Andaya.

Facebook Comments